Yet another hit….wala akong intention na ipabasa ito sa inyo kaya sinadya kong habaan ang entry na ito para tamarin kayo. i just wanna express my feelings…hehehe!
The previous week had been such a horrible one for me…particularly last..errr can’t remember the exact date.Of course it’s another hit at work. T’was another toxic day sa area namin. Mid-afternoon, nasa DR ako to help, then sinabihan ako na maglunch na muna, so naglakad ako palabas & since may nadaanan ako na naanticipate kong kailangan ng help sa isang case, I offered a hand.
During lunch, tinanong kami ni sup kung sino assigned sa Recovery Room (RR). 3 of us were assigned & since toxic yung cases, wala sa amin ang nasa RR bukod sa Tagaytay trainees. Dumaan naman ako dun, mukhang ok naman kasi marami sila kaya pumunta muna ako sa OR suites to help out. Napagsabihan tuloy kaming 3 kasi wala man lang daw tao sa RR. Kinausap ako ng isa sa aming 3, tinanong ako kung bakit wala ako sa RR. Sabi ko tumutulong din ako sa ibang case & inexplain ko na may tao naman don nung dumaan ako. Nag-make face sya, dapat daw may isang staff namin ang nandon. So, ok noted…
After lunch, sa DR na ako tumulong since wala ng patients sa RR. Natapos yung isang case & since wala ng sunod pang case, or kung meron man ay may bakanteng suite pa rin, don sa isang suite na nag-RR. Tanaw na tanaw ko na marami ang labas-masok sauite na yun, so I assumed na binabantayan at minomonitor talaga ang patient.
May nagdoorbell sa DR, pagkabukas ko, isang doctor, tinatanong kung pwede na itransfer sa room ang patient. So tinanong ko yung isa sa mga malapit sa suite kung pwede na, sabi nya pwede na nga raw, nirelay ko sa kay doc na nagdoorbell then balik ako sa DR.
Parang ang tagal na, di pa rin nilalabas yung patient. Inulit ko sa kanya, niremind ko na ilalabas na sabi nya. Oo daw. ako na raw magtrans-out. Di na ako tumanggi. Naalala ko kasi isa akong junior at kailangan kong sumunod sa aking senior. Kahit wala akong idea kung anong nangyari sa patient sa RR e pumayag na rin ako na ako na lang magtrans-out, pero syempre nireview ko muna yung doctor’s orders.
Nung nasa bedside na ako sa room ng patient sa isang malayong station sa kabilang building, napansin ko na wala yung RR sheet kung saan nakasulat yung vital signs na basehan na pwede ng itrans-out ang patient. iniwan ko muna yung chart & nagpaalam sa staff sa ward, sabi ko may naiwan lang ako. Mabait naman sila sa akin, sabi ok lang daw, “take your time,” ika nga nila.
Bumalik ako para kunin ang inaakala kong naiwan kong mahalagang document. Hinanap ko sa mga tao na pabalik-balik sa OR suite kung saan nagstay ang patient. Nagulat ako at nag-init ang ulo nang malaman kong wala palang gumawa ng RR sheet at di namonitor ang vital signs ng isang pasyenteng katatapos lamang operahan. Ang sabi pa sa akin, common sense lang daw, gumawa na lang ako. Kumustahin naman natin ang pag-imbento ng vital signs ng isang pediatric patient sa critical na condition na hindi ko man lang nasulyapan bukod sa pagtrans-out ko sa kanya. Super saya!
Bumalik ako sa station sa ward para mag-endorse at sabi ko to follow na lang ang RR sheet. Nakakahiya dahil ang dating e hindi ko nagawa ng maayos ang trabaho ko. Though medyo may katotohanan dahil dapat sinigurago ko muna na kumpleto ang documents ko before magtrans-out, di ko pa rin matanggap na ako lang ang dapat sisihin.
Pagbalik ko sa area namin, kinausap ko ang isa sa mga nakita kong nagbantay…tinanong ko kung wala talagang gumawa ng RR sheet e mahigit 2 oras na ang pasyente na nagstay doon. Wala daw. Dapat pag daw nakita kong kulang ang documents ay ako na lamang ang magfill kung ano man ang kulang. Vital signs yun dude! Pedia pa na malalang case! Di lang pala nurse ang trabaho ko…inventor pa.
Biglang lumapit ang isa ko pang kasama na nakaassign sa RR, nakikibalita kung ano ang nangyari.
RRnurse2: “Anong nangyari? anong chismis dyan?”
Me: “Wala po, ok na.”
RRnurse2: “Sige lang, sabihin nyo na..”
Me: “Kasi po walang gumawa ng RR sheet…akala ko ginawa na nila. nagtrans-out na ako, kala ko nakalimutan ko lang. Pagbalik ko para kunin yun, wala naman palang gumawa, kaya tinatanong ko rin kung anong naobserve nilang vitaql signs.”
RRnurse2: “Kasi naman trabaho mo rin yan, nakaassign ka rin sa RR, dapat tumulong ka! Wag mong inaaway yang si *RRnurse1*…senior mo na yan, mas matagal sya dito kaysa sayo. Ganun lang talaga dahil ikaw e junior lang. Ang bait-bait ni *RRnurse1* e, aawayin mo! Di ka dapat nag-uutos sa kanya…ikaw ang dapat nyang utusan!”…sabay irap at talikod sa kin.
At dahil dyan, wala na akong magagawa kundi mag-imbento ng vitals ng isang critical patient…
Maya-maya pa, may lumapit na doctor sa station, mainit ang ulo…sa ibang case naman sya.
RRnurse2: “Doc, ok ka lang?…Mainit ang ulo ni doc e. Parang si *RRnurse1*, mainit din ang ulo dahil dyan..”..sabay turo sa akin ng harap-harapan.
Bukod sa RR, assigned din ako sa Fast-Moving drugs (FM) inventory. Si RRnurse1 naman ay assigned sa Narcotic drugs. Mainit pa rin ang ulo namin sa isa’t-isa noon, ramdam ko. Heto na ang mga 6P-6A na shift…
6Pnurse1: “Hi! Sabi ni *RRnurse2* patuloy daw ng charting nya sa DR. Pero sige gawin mo na muna yan, after na lang nyan.”
Me: “OK, thanks *6Pnurse1*!”
Kumustahin naman natin ulit si RRnurse2…nakikipagchikahan lang dun sa station sa labas at aghahanda ng pauwi samantalang kami ni RRnurse1 e may gagawin pa. Ang malala pa, inutos pa sa akin yung nasimulan nyang gawain na on a legal basis, illegal ang gagawin ko kung ganon dahil legal documentation ang inuutos nya sa akin. Kumbaga, nasimulan nya, dapat tapusin nya, hindi dapat ituloy ng kung sino. Sa pagkakataong ito, maaari akong tumanggi, ngunit di ko na lang ginawa dahil sya ay aking SENIOR at ako’y isang hamak na JUNIOR lamang nya kaya wala dapat akong palag…yan ang pinamukha nya sa akin moments ago then. Sinunod ko na lang din ang utos nya kaysa naman lalo pang uminit sa akin ang ulo nya. Ayaw ko rin ng masasabihan ng tamad…kasi mas bagay syang sabihan non kaysa sa akin..
Nang matapos ko na ang lahat ng aking mga gawain, Pumunta ako sa station sa labas para ibalik yung charges na ginamit ko para sa FM & para rin magprint ng OT form since nasa labas na station yung computer namin sa area. Nang biglang…
ORnurse2: “*RRnurse1*! *RRnurse1*! Tara na, uwi na tayo! Bilisan mo na dyan..”
Umalis sya at bumalik muli, tila nagpaparinig sa akin na tinatawag na naman si RRnurse1 at ako ay ni hindi nya niyayaya. Keber naman…sanay naman ako magstay pa at di muna agad umuwi. Isa pa, iba naman ang way nila sa way ko pauwi.
Dinagdagan pa nya ng…
RRnurse2: “*6Pnurse1*, patapos na lang ng charting ko sa DR ha!!!”
6Pnurse1: “Tinapos na po ni Joann!”
Wala syang reaction & dali-dali na lang umalis.
Nang paalis na si RRnurse1, hinabol ko sya to apologize.
Me: “*RRnurse1*, sorry po kanina ha… Nililinaw ko lang naman kung may RR sheet & tinatanong ko VS nung patient na naobserve nyo kasi di ko po talaga nahandle yung patient kaya ni hindi ko nasulyapan man lang kahit as basis man lang, pedia pa man din yun.”
RRnurse1: “Hindi, ok na yun, wala na, tapos na yun. pasensya na rin mainit lang ulo ko kanina. Hindi ko rin masyado nakita yung patient kasi si *RRnurse2* talaga ang ang may handle sa kanya.”
So lumabas din ang katotohanan…kaya pala nya pinagtatanggol si RRnurse1 ay dahil sya naman pala ang may kasalanan.
Kinabukasan, magkaduty ulit kami ni RRnurse1.
RRnurse1: “O, kumusta ka na?”
Me: “OK naman po. Pasensya na talaga kahapon ha?”
RRnurse1: “Wala na yun. Kalimutan na lang natin. Ganon lang talaga si *RRnurse2*, madami nga nagrereklamo sa kanya kasi madalas hindi nya tinatapos ang trabaho
Me: “Sa akin pa nga rin po nya pinatapos yung charting nya sa DR kahapon na nasimulan na nya e. Wala naman syang ginagawa sa station sa labas, nakikipagkwentuhan lang habang nag-iinventory tayo kagabi ng narcotics & FM. Nagreready na lang sya pauwi.”
RRnurse1: “Ganon?? Tsk! Kita mo na… Nasasanay sya ng ganon e. ‘Wag mo gagayahin yon ha. ipagpatuloy mo lang na tatapusin mo ang trabaho mo before ka umuwi. Kasi di ba, nakakainis naman kung kunwari ikaw ang kaendorse nya dapat tapos hindi naman tapos yung trabaho nya?”
Me: “Oo nga po e. Never din naman ako nagmadaling umuwi. OK lang sa akin magstay lalo na pag di pa tapos ang trabaho ko.”
Nang araw ding yon, 6P na ang shift nya. 6A pa rin ako so sya ang kaendorse ko. Buti na lang at may midwife doon at sya na ang nag-endorse sa kanya. Nandon din ako habang ineendorse ngunit ako’y busy-busyhan sa aking charting aside from the fact na ayaw ko sya talaga kausapin, ni ayaw ko nga syang lingunin, dahil masama pa ang loob ko sa kanya. Hindi pa ulit kami nagkakaduty for several days now. Tomorrow & on the following day, kaduty ko sya…so goodluck na lang sa amin.
I know for a fact na ang trabaho ay trabaho lamang. Ang mga di magandang pangyayari during work ay hindi dapat manatili para sa teamwork especially sa area namin wherein teamwork is really necessary. However, sa mga naganap nung araw na yon at mga sumunod pang mga araw, hindi na trabaho lamang ang issue na ito. Naging one-sided sya nung pinakinggan ang kwento namin ni RRnurse1, bukod pa rito ay pinersonal nya ang issue. Wala na sa amin ni RRnurse1 ang issue, ngunit buhay pa rin para sa kanya, at pinalaki pa dahil malamang ay kinwento na nya sa iba.
Salamat na lamang sa mga kasamahan din naming marunong makinig na nafeel ko ng todo ang concern. Siguro kung ngayon ay two months from now na, most probably aalis na din ako sa area namin, particularly sa hospital where I’m currently employed in, mamimiss ko sila for sure… department heads, co-staff nurses, midwives, most esp. sa orderlies namin, except sa ‘yo RRnurse2!
Since ang two months ay medyo may katagalan pa rin, marami pang possibleng mangyari. Magkaayos pa kaya tayo? Possible!..Kung possible ding mababago ang approach mo sa isang tulad kong hamak na JUNIOR lamang…why not?!
Sample pic ba?

staff nurses with the creepy RRnurse2