Lolang Batangas

Because of your presence I carry a precious name,
Making it possible for me to play life’s tricky game.
Although some pros and cons of having it came,
If not with this name today I should’ve been lame.

It had been eons since we’ve been together
Yet you still recognize us; even our fullnames you get to remember;
Aside from your good eyesight, you’re such a graceful dancer;
These things made me proud as your great granddaughter.

Even if some of the stories between us remain untold,
I know you’re the root of everything that had me mold.
Whatever reason God brought us in this world,
This instance made me realize that time is really gold.

Very ironic it is that only time can tell;
Peerless moments with you are jewels we could never sell.
Even now as we all bid you our last farewell,
Forever in our hearts you’ll dwell.

Cristina "Lolang Batangas" Cantos-Clarete

Farewell our dear GREAT GRANDMOTHER, Cristina "LOLANG BATANGAS" Cantos-Clarete. Delight yourself with the presence of the Lord. We'll miss you.

TAGTAG…TAG!

Nasundan din ang first entry ko at last! Salamat kay burinj na nag-tag sa akin, kay lhaymahalhay na ayaw ako share-an ng ipinagkakalat nyang lagim, kay mumu na nagpressure sa akin upang irevise ang una kong draft at para tapusin ko na agad dahil ang bilis nyang nagawa ito, kay pot-su na ever-supportive errr Mr. Bear, kay bangz na nagcecelebrate ng kanyang kaarawang ngayon, kay anabanana na nenjahhh mode na kasalukuyang dinaranas ang aking matagal na dinanas (papunta ka pa lang, pabalik na ako!nyahaha!) at kay libay na nagcast ng sumpa kaya ako napilitang gawin ito…errr naenjoy ko rin naman. It’s for you to find out if you care!

So explain ko na lang muna this time how this one works…

Ayon nga sa mga na-tag, nagpa-tag, napatag na gumawa rin ng tulad nito bukod sa isang friend ko na self-confessed sira-ulo na itatago natin sa pangalang plorrrante na katangga katangi-tanging nagbaligtad ng simpleng rules, dapat magsabi ng (10) sampung bagay-bagay tungkol sa sarili mo; (9) Siyam dito ang totoo at (1) isa ang kaechozan lamang.

Game? Ok wala na kayong magagawa dahil game na ako at tumatakbo ang aking grace period!

AKO AY….

1. Isang Painter. Nagsimula lamang ito nung 1st yr HS ako nang bigla kong naisipan sumali sa isang interschool on-the-spot painting contest. Wala akong kaalam-alam sa mundo ng pagguhit at pagkukulay pero sobrang life-changing itong experience para sa akin. Dito ako natuto dahil sobrang nakakahiya ang gawa ko. At dahil dito, nagpursige ako magpaint pagkadating ko mismo sa bahay. Sa sunod na pagsali ko, among all the representatives ng HS, ako ang 3rd place! Hanggang sa nagsunod-sunod na ang sinalihan ko at napanalunang madalas ay 1st place, individual man or group, kahit anong art contests pa yun or kahit designs lamang para sa programs sa mga schools… t-shirt design, poster-making, landscaping, stage designs, banner-making, etc. May nadudulot pala talaga ang lakas ng fighting spirit!

batch logo namin nung college na ako ang may pakana...maraming mga nakatataas ang kumontra nang nakita nila ito. kesyo wala daw permiso chuva chuva. care ba nila...inggit lang sila dahil wala sila nito!

batch logo namin nung college na ako ang may pakana...gawa ito sa inukit na styro...sayang nga lang at hindi maaappreciate sa image ang pinaghirapan kong pakinisin at lagyan ng shape na logong ito. maraming mga nakatataas ang kumontra nang nakita nila ito; kesyo wala daw permiso chuva chuva. care ba nila...inggit lang sila dahil wala sila nito! pasensya na malabo ang kuha, kuha pa kasi ito sa luhoooser kong cp dahil wala pa akong digicam noon.

ang dakilang stage director...pagraduate na ako nito, ako pa rin ang toxic dahil ako ang leader para sa stage design.

ang dakilang stage director...pagraduate na ako nito, ako pa rin ang toxic dahil ako ang leader para sa stage design.

4th year college...intercollege/university research forum. ako ang leader ulit, as always.

4th year college...intercollege/university research forum. ako ang leader ulit, as always.

sample lang ito ng mga gawa ko nung student pa lang ako. madalas ito ang ginagawa ko bilang pampatanggal ng stress na kahit gaano ako kagahol sa oras sa mga gawain ko, nagagawa ko pa rin ang mga gantong bagay. di ko maipaliwanag ang aking kasiyahan pag mga ganoong pagkakataon. hindi ako nakakaramdam ng pagod o antok at feeling koako ay natulog ng isang buong araw sa tuwing nakakatapos ako ng isang piece. pasensya na sa mga kuha, luhoooser yang celphone kong ginamit dahil di pa rin uso sa akin ang digicam noon. di ko na rin makita ang mga orig nyan, itinapon na rin ata ng nanay ko...<_<

sample lang ito ng mga gawa ko nung student pa lang ako. madalas ito ang ginagawa ko bilang pampatanggal ng stress na kahit gaano ako kagahol sa oras sa mga gawain ko, nagagawa ko pa rin ang mga gantong bagay. di ko maipaliwanag ang aking kasiyahan pag mga ganoong pagkakataon. hindi ako nakakaramdam ng pagod o antok at feeling koako ay natulog ng isang buong araw sa tuwing nakakatapos ako ng isang piece. pasensya na sa mga kuha, luhoooser yang celphone kong ginamit dahil di pa rin uso sa akin ang digicam noon. di ko na rin makita ang mga orig nyan, itinapon na rin ata ng nanay ko...<_<

marami ng napagdaan ang stage na ito na mga commercials..anyway, wala yung koneksyon sa sasabihin ko. dito ginanap ang aming pinning ceremony at ako muli ang promotor sa stgae design. napakatoxic ng dinanas namin dito, sabay sasabihan pa ako na hindi talaga sila (prof & admin) naniniwala na ako ang gumawa ng lettering, napakaimposible daw...insult or compliment? yun lang. period.

marami ng napagdaan ang stage na ito na mga commercials..anyway, wala yung koneksyon sa sasabihin ko. dito ginanap ang aming pinning ceremony at ako muli ang promotor sa stage design. napakatoxic ng dinanas namin dito, sabay sasabihan pa ako na hindi talaga sila (prof & admin) naniniwala na ako ang gumawa ng lettering, napakaimposible daw...insult or compliment? yun lang. period.

2. Isang Volleyball Player. Nang dahil sa nakita kong magandang dinulot ng aking fighting spirit, kinapalan ko na rin ang mukha kong sumali bigla sa volleyball league dito sa village namin. Wala rin akong alam i-execute na kahit anong skill sa sport na ito. Naeenjoy ko lang manood sa mga naglalaro. At dahil dito ay nacurious ako ng todo. Sakto pang may isang volleyball team na may kulang na isang player at niyaya nila ako. “THE CALLING!” Puspusan ang pagtrain sa akin ng aming trainor dahil una pa lamang ay winarningan ko na silang lahat na di ako marunong. Pero dahil sa training namin na 5am ang call time, warm-up na 5am-8am (oo, tama ang nabasa mo!), game proper na 8am-12noon under the summer heat, sobrang natuto talaga ako! Pero kumusta naman sa pinagdaanan kong kahihiyan bago ko nakamit ang bagong skill na ito?! Niyurak ko agad ang aking titulo bilang best muse sa basketball league dito rin sa amin. Ngunit pagkatapos naman ng volleyball league na ‘yon ay madalas na akong maging isa sa star players ng team na sinasalihan ko. Iba talaga ang apog ko!\m/,

Aside from the fact na hindi pa uso ang digicam noon, hindi ko alam kung saan na napunta ang mga alaala ng mapait kong karanasan sa sa una kong pagsali sa volleyball league dito sa amin, kaya't ito na lamang ang pinost ko...beach volley kasama ang aking mga pinsan. di bale, todo da moves din naman yan! ^_~

Aside from the fact na hindi pa uso ang digicam noon, hindi ko alam kung saan na napunta ang mga alaala ng mapait kong karanasan sa sa una kong pagsali sa volleyball league dito sa amin, kaya't ito na lamang ang pinost ko...beach volley kasama ang aking mga pinsan. di bale, todo da moves din naman yan! ^_~

3. ‘Di makakaalis ng bahay ng wala ang aking umbrella. Ewan ko ba, simula bata pa ako ay mahilig na talaga akong magpayong, at lalo akong nahilig dito nung nagsimula na akong pumasok sa school. Hanggang ngayon di pa rin ako umaalis ng bahay ng walang payong. Parang naging security blanket ko na rin kasi ito. Umulan man o umaraw, secured ako…yun siguro ang nasa subconscious mind ko.

ella...ella...ella...under my umbrella! kinder 1 ako nito, pero lagi na akong may dalang payong..ewan ko nga ba, natrauma ata kung kung saan kaya naging habit ko na magdala ng payong simula pagkabata. siguro dumarami ako pag nababasa...buhoooo!

ella...ella...ella...under my umbrella! kinder 1 ako nito, 4 years old, pero lagi na akong may dalang payong..ewan ko nga ba, natrauma ata kung kung saan kaya naging habit ko na magdala ng payong simula pagkabata. siguro dumarami ako pag nababasa...buhoooo!

4. May Natural Hair Color. Ni minsan di ko ginawang pakulayan ang buhok ko though madalas walang naniniwala bukod sa mga taong nakasama ko na simula ng aking pagkabata. Nang minsang nadepress ako, sinubukan kong ipagupit at ipa-relax ang buhok ko. Ayaw ng bading irelax ito dahil ipinagdidiinan nya na nagpakulay daw ako. Pati ba naman yung iba pang customers sa parlor ay pinagsabihan ako, “Neng, aminin mo na kasi. Para rin yan sa ‘yo kung ayaw mo makalbo!” katakot naman! Napaisip tuloy ako kung nagpakulay nga ba ako…pero hindi talaga! HINDEEEE!Nirelax nga ang aking buhok kahit super straight ito dahil gusto ko super bagsak ang dating. ngunit subalit datapwat ito’t try lang muna para mafeel ko anong feeling ng nakarelax ang buhok, parang naging dry naman lalo na nung mga unang araw ng pagkaparelax ko. At dahil dito, ayaw ko ng maulit pa ito!

... bago kumikay ............ pagkatapos kumikay ......hair relax ang tinutukoy ko ha!hehehe

Ito ako... bago kumikay ..................at pagkatapos kumikay! ......hair relax ang tinutukoy ko ha!hehehe! korek, nadry sya lalo! medyo nagsisi ako, slight lang kasi ginusto ko rin matry pero ayaw ko na umulit din!

unti-unting nanumbalik ang sigla ng aking buhok (parang shampoo commercial lang no?) after a year ng kakikayan. FYI natural hair color pa rin yan. ^^,

unti-unting nanumbalik ang sigla ng aking buhok (parang shampoo commercial lang no?) after a year ng kakikayan. FYI natural hair color pa rin yan. ^^,

5. Sobrang Choosy sa Pagkain. Sa mga bago kong nakakababuyan nakakasalamuha sa pagkain, laging sinasabi na ako na ang pinakamaarte sa pagkain na nakilala nila. Marami kasi akong ayaw kainin at ako’y may preferred na preparations ng pagkain. Ayaw kong mag-uulam ng prito na kung anuman tapos sasabawan ang kanin ko. Kung gusto ko pareho ang ulam na prito at ang ulam na may sabaw ay hinahati ko ang kanin ko sa kalahati ng walang lamangan at kakainin ko ng magkahiwalay ito. Ayaw ko ng kahit anong klaseng salad…macaroni, buko, fruit, etc. Ayaw ko ng mayonnaise at ketchup, not unless burger ang kinakain ko at magkahalo sila. Hindi ako nagsasawsawan…patis, gravy, toyo, etc. not unless ginisang bagoong ito na Indian mango na hilaw ang isasawsaw ko. Ayaw ko ng hinog na mangga. Sobrang favorite ko ang seafoods bukod sa isda na tilapia lamang ang kilala ko dahil ayaw ko ng makilala ang iba pa. Ilan lamang ito sa mga kakaiba sa aking eating habits. Kung stalker kita, pwes, mahihirapan ka!

6. Chess Varsity Player. Isa pang katunayan ng kakapalan ng aking mukha ay nang nag-try-out ako sa chess varsity team na di man lamang alam ang moves ng ibang pyesa nito nang ako’y nasa Grade 5 pa lamang. Dati na akong naturuan at naglaro nito, Kinder 2 ako, 6 yearsa old, pero pagkatapos ko matuto ay matagal na rin akong hindi nakahawak ng mga pyesa. Naulit na lamang ang muli kong paghimas sa chessboard at sa iba pang parts nito nung try-out na mismo. So ano pa nga ba ang mangyayari? Di ako natanggap at sobrang kahiya-hiya kasi pinapakain na mismo sa akin ng aking kalaban, as in tutuklawin na ako, iniiwasan ko lamang. Pero wag ka, nagpractice ako ng puspusan matapos akong lait-laitin ng iba pang nagttry-out. Nang ako’y high school na, nagtry-out ulit ako at sinwerteng maging isa sa anim na napiling magrepresent ng aming school. Proud me!

college days...chess tournament. partida, kakabakuna lang sa akin at mabigat pa ang kanang braso ko nyan.. ^_^

college days...chess tournament. partida, kakabakuna lang sa akin at mabigat pa ang kanang braso ko nyan.. ^_^

7. Maagang Tumigil sa Pag-inom ng Gatas. 1 year 1 month old pa lamang ako, tandang-tanda ko na ang mga pangyayari kung bakit ko biglang naisipang itigil ang bottlefeeding. Nagkasakit kasi ako noon at dahil bata pa lamang ay marunong na akong magrecognize ng colors, madaldal, masyado ng aktibo ang aking tastebuds ngunit di pa naglalakad kahit isang hakbang lamang dahil sa aking todong katamaran ay napansin kong kulay orange ang aking gatas at nasense kong pinaglololoko ako ng mga magulang ko nang sinabi nilang last na ang gamot na iinumin ko. Wais na ako bata pa lamang. Ayaw kong nagpapalamang kahit sa mga magulang ko. Hinding-hindi nila ako maloloko kaya dahil doon ay napagpasyahan ko na tumigil na lamang uminom ng gatas. Naiisip ko kasi lahat ng gatas ay may gamot. Hanggang ngayon hindi mo ako mapapainom ng gatas na puti, though sobrang favorite ko ang pastillas at iba pang milk products pati na rin ang magpapak ng bear brand, wag na lamang hahaluan ng tubig bago pa ito matunaw sa bibig ko, parang awa mo na!

8. Isang Cam-Whore. Self-confessed! Pansin nyo naman sa aking mga madalas i-update na profiles yun malamang. Lahat ng mga napupuntahan kong mga lugar at precious moments with precious people na nakakasalamuha ko simula ng ako’y nagkaroon ng sariling digicam ay di ko mapapalampas. Lately ay nahihilig ako sa photoshoots at modeling ng kung anu-ano para kung sinu-sino though ako’y vertically challenged (whattaterm!). May nagtxt actually na roommate ko dati, “Ate, ikaw ba yung nakita ko na model ng *toot*? Parang ikaw talaga eh!” Sagot ko naman, “Naku! Hindi ah! Wahahaha! Marami lang talaga akong kamukha.” Hanggang ngayon ay nagungulit pa rin siya at parami pa sila ng paraming nagtatanong, dinedeny ko lang lagi. Pwes, AKO NGA YON!!! Secret lang ha…alam ko namang wala sa inyo ang makakabasa nito. Hehehe!

modelang charing

yan ay ako, ako, ako kasama ang aking friendly model friends pati na rin ang aking mga pinsan na walang kaobvious-obvious na nagmana ng aking kagandahan...este, ng aking kahiligan magpose sa harap ng camera

labis akong nagalak sa aking nakita nang ako'y kasalukuyang nagbubungkal ng aking maalikabok na albums nang ito ang aking nakita ^_^

labis akong nagalak sa aking nakita nang ako'y kasalukuyang nagbubungkal ng aking maalikabok na albums nang ito ang aking nakita ^_^ narealize ko na bata pa lamang ako ay natural na pala it sa akin. LOL

9. Mahilig sa DVD…ngunit ang DVD ay walang hilig sa akin. Sobrang daming tambak dito na DVD’s sa bahay, mapa-orig man o pirated, movies man o series. Karamihan naman doon ay naumpisahan ko na, lalo na yung series. Pero…wala pa akong natatapos ni isa! Kahit movies hindi ko rin natatapos dahil intro pa lamang, nagfflash pa lamang sa screen yung mga pangalan ng kung sinu-sinong mga Poncio Pilato, mapasandal lamang ako ay deadz na…borlogz ang lola! Kahit gaano pa ako ka-curious at ka-willing na matapos ang isang panoorin ay dinadaig pa rin ng aking antok. Sa series, maximum of 2 episodes lamang ang aking kinakaya sa isang panooran. Ganun kahina ang aking resistensya sa antok. Ewan ko nga ba…wala na akong magagawa pa.  Ganon na talaga ako. Kahit pa sa sinehan yan at may kasama akong prospect dyerrr ay di pa rin keri.

10. Anti-NURSE. Ni minsan hindi ko inambisyong maging isang nurse. Ni minsan hindi ko nasambit ang katagang yan sa ambitions ko, i-check mo man ang mga sinagutan kong autographs! Naalala ko tuloy nung 4th year HS ako nung papalapit na ang aming graduation habang nagfifill-up na kami ng classmates ko ng application forms para sa entrance exams sa college, natanong ko sa sarili ko na di ko naman sinasadyang medyo malakasan na, “Ang 1st choice ko accountancy. Ano kaya ang ilalagay ko sa second choice?” Aksidenteng narinig ng katabi ko at sumagot sya, “NURSING! NURSING ang ilagay mo. Promise nakikita ko sayo ang isang nurse! Bagay sayo maging nurse!” At ang aking sinagot na sobrang tinatawanan ko na sa ngayon ay, “ YUUUCCKKK! NURSING!? Ayoko nga! Ang dami-dami nyo na dun e. NEVER! Masyadong common! Iba na lang, wag lang yun!” Months from then, isang gabi bago ako ay mag-enrol na sana ako sa isang tanyag na unibersidad bilang Accountacy student, tumawag ang tita ko from USA at sinabi na mag-Nursing ako dahil malaki ang sweldo ng nurses doon. Starting pay pa lamang ay $28 per hour na. Kinompute ko agad ang sswelduhin ko in a month and in a year at kinonvert sa pesos, din na ako nagdalawang-isip pa! Kinabukasan, imbes na balikan ko ang sana’y eenrolan ko ng Accountancy, sa ibang schools ako nag-inquire at nagregister para sa panibagong entrance exams. At kumusta naman..ako’y isang ganap na nurse na! Naalala ko rin nung ako’y nasa 4th year College wherein pinapili kami ng gusto naming specialization sa Nursing field, Medical-Surgical Nursing ang pinili ko at nagsimulang magtrain dito. Halos lahat ay gusto ng Operating Room (OR) Nursing na sya ring aking kinokontra madalas. Ayaw ko sa OR dahil masyadong kumplikado at kakaiba ang mga kailangang idevelop na skills. Pero kumustahin nyo ulit ako dyan…dahil ako’y isang ganap na OR NURSE na!

OR Nars

duty nga ba kami nito??..MMMUKAAA NGAAA!

Sadyang napaka-ironic ng buhay. Hindi lahat ng kagustuhan natin ay syang masusunod. Let’s always keep in mind that it is very healthy to make our own plans, but God always has plans for us that are way better than ours. He simply knows what’s best for us. Binigyan nya tayo ng kanya-kayang skills and talents, nasa atin na kung paano natin ito madidiscover at pagyayamanin. He simply knows what’s best for us. What we are is God’s gift to us, what we become is our gift to Him.

Nahh..so much for the drama! At dahil sobrang tagal kong i-post itong tag thingy na ito, lahat ay nakagawa na bukod sa akin so congratumalations sa akin na wala ng ma-tag. kahit sino na lang na hindi pa gumagawa ng tulad nito. baka ikaw gusto mo?

So ano sa tingin nyo ang hindi dapat kasali sa facts about me? Oh well…pag-isipang mabuti!

BUENA MANO

BUENA MANO

Ako’y kasalukuyang isang trainee nurse sa isang tertiary hospital sa aming lugar. Dahil sa hirap mag-apply sa panahong ito sa Pinas dahil sa dami ng nursing graduates, out of hundreds to even thousands of applicants, pinalad akong mabilang sa walong napakasweteng nilalang na nurses na ma-hire. Swerte rin talaga dahil natupad ko ang isa sa mga goals ko for 2008 na magkatrabaho bago magtapos ang taon.

November 10 nang ang gaming batch ay magsimula sa orientation, i-rotate kami sa iba’t-ibang areas sa hospital, hanggang sa italaga kami sa aming areas of assignment.

Naassign ako sa operating room (OR)…pag sinuswerte nga naman! Lahat kaming walo ay naghahangad na maassign dito dahil syempre pag ikaw ay OR nurse, astig ang dating mo! Out of 8, dalawa lang kaming naassign dito. The fact na sa isang special area ka agad naassign sa isang tertiary hospital bilang isang nurse na walang experience ay isang malaking karangalan dahil feeling mo ay napakagaling mo at malaki talaga ang tiwala at expectations sa iyo.

Ngayon ay ikaanim na lingo ko na sa OR. May mga kasabayan din kaming trainees ng isang malaking hospital sa Tagaytay na kasalukuyang inaayos pa lamang.

Thursday… another duty day. Wala masyadong cases so nung morning, I was able to witness and circulate for several procedures.

10:30am… dumating ang pasyente kong iiscruban na for cesarean section. So pagdating nya, we did our routine care while waiting for the surgeon and the anesthesiologist. Isa sa mga Tagaytay trainees na itago na lamang natin sa pangalang Melba, ang pinakiusapan kong tumulong sa pagsshave. Nang mga panahong ‘yon, di ko mawari kung naoffend ko ba sya dahil siguro ang dating sa kanya ay inuutusan ko sya, pero nang abutan ko sya ng pang-shave at ng gasa (OS) ay ginawa rin naman nya. Ang point ko lang naman kasi, total available naman sya at walang ginagawa ay makatulong man lamang sa simpleng procedure na ‘yon dahil busy rin ako at marami pang kailangang iprepare.

Pagdating ng anesthesiologist, maya-maya ay dumating na rin ang surgeon. Nag-open na kami ng packs at ng iba pang instruments na gagamitin. Nagscrub na rin ako agad kasama ang aking second scrub na Tagaytay trainee. Pagpasok ko sa OR suite kung saan nakaready na ang aming pasyente ay ginawa ko na ang mga dapat kong gawin bilang first scrub sa case na ‘yon…nagsuot ng gown at gloves, inayos ang instruments, nagsimula ng first counting habang medyo natatarantang nagseserve sa surgeon at assistant surgeon dahil mahirap nga namang isabay sa pagbibilang na kailangang matapos na agad bago magsimulang biyakin ang tyan ng pasyente.

Napansin ng dalawang surgeons na nagkasugat ang pasyente sa parteng na-shave-an kaya naramdaman kong medyo uminit ang kanilang ulo. At dahil doon, naisip kong lalo ako dapat mag-effort na tanggalin ang init ng kanilang ulo.

Binigay ko na ang towels, kasama ang towel clips, at sunod ay ang small half nang napansin kong isang sheet na lamang iyon bukod sa lap sheet. Kulang ng big half kaya sasabihin ko agad sana sa circulating nurse ko kaya lang wala sya noon sa suite dahil nagcicirculate din sya sa isang case sa kabilang suite. Ang natira lamang doon bukod sa aming surgical team ay mga Tagaytay trainees kaya sila na lamang ang napagsabihan kong kumuha ng kulang na sheet habang iniaabot ko ang small half sa surgeon.

Ang tagal kong nakatayo habang iniaabot ang small half na ‘yon! Hindi lumalapit ang assistant surgeon nya, busy, may kausap yata, kaya lumapit pa rin ako ng bahagya ng biglang sigawan ako ng surgeon na kasalukyang 2 meters away sa akin na nakapwesto sa right id eng bed, “UNSTERILE KA NA!” habang nakaturo sa akin particularly sa parteng ibaba, below my waist. Nang tumingin ako sa parteng kanyang itinuturo, alam kong hindi naman ako napadikit doon kahit dampi man lamang. Biglang sumabat ang assistant surgeon nang bumalik ako sa aking half-moon table, “Don’t you dare touch anything there! You’re already unsterile!”

At dahil dyan, no choice ako kundi magscrub out. Lumabas agad ako para magspray ng antiseptic habang binabalak na magscrub ulit, meaning magsuot muli ng bagong gown at gloves, nang mapansin kong may isa ng staff nurse na nagsusuot ng gown at gloves na naka-prepare. Oh well, hindi na nga ako dapat magulat doon pero syempre parang natapakan naman ang pride ko bilang isang nurse. Ang dating kasi ay nawalan na ng tiwala sa akin ang surgical team kaya sa iba na lamang inassign ang case. Masama ang loob ko at inaamin kong it almost made me cry, but I had to be strong. Ang inisip ko na lang ay gusto ko lang maperform ng aming surgical team ang operation na iyon successfully. High risk pregnancy na rin kasi ang aming pasyente, 35 years old, unang anak pa lamang.

So para ipakita na hindi ako affected, ako na lamang muna ang pumalit bilang circulating nurse habang busy ang aming tunay na circulating nurse sa kabilang suite. At doon ay mukhang nakabawi naman ako kahit papaano dahil naperform ko naman ng maayos ang aking tasks sa aking bagong role. Tinanong ako ng senior ko kung sino yung nagshave sa pasyente, kung ako daw ba. Ang sabi ko hindi ako ang nagshave kundi si Melba. Ang masama doon ay kung nung habang wala ako ay tinanong ng surgeon kung sino ang nagshave at maaaring hindi aminin ni Melba at nanahimik na lamang sya o nagbusy-busyhan kaya ako din ang mapagbibintangan na nagshave dahil ako ang scrub nurse. Nangyari nga kaya? Malamang oo pero hindi ko rin sigurado. Hindi ko na nagawang magtanong further sa aking senior kasi busy kami parehas sa aming tasks.

After ng operation habang papalabas na ang mga surgeons at anesthesiologist, may kaunting interview portion sa amin. Itinanong nila ang aking pangalan dahil hindi sila pamilyar sa akin. Nagpakilala ako at sinabi kong bagong trainee ako. And what more would I expect? Syempre kundi pagsasabihan din ako regarding sa nangyaring incident. Mababait naman sila at parang medyo tipong pabiro nila akong pinagsabihan. Walang ni isang word na lumabas mula sa akin, kahit “sorry” man lamang. All I did was to smile… smile na hindi ko alam kung naappreciate nila or na-witness man lamang dahil ako nga pala ay nakasuot ng mask. Sobrang nahihiya talaga ako, at the same time, parang gusto ko sabihin na kamag-anak ako ng doktora na tinuturing nilang boss, tulad na lamang ng ginagawang pakilala sa akin ng mga seniors ko pag ipinakikilala kami ng kasama kong trainees sa mga doctors, dahil isa sya sa mga core group na may ari ng hospital. Alam kong bad ang iniisip kong ‘yon dahil parang gagamitan ko ng authority ang issue, pero kung malalaman ba nilang kamag-anak ako ng may authority sa hospital ay ganon pa rin ang turing nila sa akin? NOT!!! Hahayaan ko na lamang silang madiscover ang katotohanang iyon dahil paniguradong malalaman din nila, at malamang magugulat sila at baka sila pa ang magsorry…ok joke! Baka mabasa nila ‘tong entry!Ü

After mailagay sa pasyente sa recovery room at malinis lahat ng instruments na ginamit, pupunta muna ako sana sa delivery room which is katabi lamang ng aming suite kung saan naganap ang mga pangyayari. At dahil nandoon at nagbabantay rin ng pasyenteng buntis ang aking co-trainee at wala sya sa mga pangyayari dahil scrub din sya sa kabilang suite, naitanong nya sa akin kung ano ang nangyari. Though painful pa rin sa akin ang mga pangyayari, naappreciate ko rin na ako mismo ang tinanong nya kaysa nga naman sa iba nya malaman and at least kung galling sa akin mismo ang information ay siguradong sakto at detailed dahil alam ko ang details. So sinabi ko sa kanyang nagscrub out ako dahil sinabihan ako ng surgeon na unsterile na ako dahil napadikit daw ako sa OR bed kung saan naka-higa ang pasyente habang iniaabot ko ang linens.

Bigla naman ako nagulat ng biglang sumabat itong si Melba at masyadong idinuduro habang medyo sarcastic nyang sinabi na “Oo, napadikit ka! Nakita ko!” So I was like saying, “Ah ganon ba? Hindi ko kasi naramdaman & nung tiningnan ko, hindi talaga ako nakadikit, though almost dikit na rin nga naman. Mali nga rin naman ako don, kasi ‘di na sana ako lumapit pa sa assist.”

Bigla din lumapit ang isang midwife sa akin. Isa din sya sa mga saksi sa pangyayari. She confronted me, “Pasensya ka na kanina ha? Si *toot* na ang pinagscrub ko kasi baka magalit pa sina doktora kung ikaw pa rin ang magscrub. Ganon lang talaga, lahat naman tayo nagkakamali minsan. Di naman maiiwasan yun…”

Natouch ako sa mga words na narinig ko from her, plus yung lambing ng boses nya habang sinasabi nya yun at konocomfort ako. Ramdam kong may sincerity and hindi lang awa ang gusto nyang ipahiwatig. I knew she was trying to point out something, which I realized at once.

Pinipigilan kong maluha dahil na-touch ako sa mga narinig ko from her, at the same time naiinis ako kay Melba dahil sa tono ng pananalita nya nung sya’y sumabat… kala mo kung sinong magaling na bawal magkamali! Hindi ko alam kung may grudges ba sya sa akin dahil sa pakikiusap kong magshave sya tapos ay medyo nagalit din ang surgeon dahil malamang ay mali ang pagkashave nya. Ang sa akin lang, since sobrang dahan-dahan naman akong nagstep forward at nakita naman nya palang dumikit ako, sana nung nakita nyang malapit na ako e hinila man lang sana ako o sinabihan o kahit sinigawan man lamang na malapit na akong mapadampi sa OR bed. Di ba nya naisip yun? Or gusto lang nya talaga ako mapahamak dahil, hindi naman sa pagmamayabang at pagmamaganda, dahil sa lahat ng trainees isa ako sa madalas na pinapansin, binibiro, at kinukulit ng staff nurses, doctors, midwives, orderlies, at iba pang mga staff ng aming area, aside from the fact na relative ko ang isang doktora na isa sa mga core group members na may ari ng hospital namin at ng hospital nila sa Tagaytay.

After ng mga pangyayari, kahit napaka-supportive ng mga tao sa paligid ko bukod kay Melba ay mabigat pa rin ang loob ko. I was feeling kinda like I’m such a failure. Hanggang sa pag-uwi ko, pilit ko mang kalimutan ay bumabalik pa rin sa isip ko ang mga pangyayari. Until now, masama pa rin loob ko kay Melba, though medyo nagsubside na. Alam ko mawawala rin ito, wag na lamang nya ulitin na kabanggain akong muli. Buti na lamang at malapit ng matapos ang kanilang training. Mamimiss ko rin silang lahat for sure.

Though at this point in time while I still have grudges left in me, especially kay Melba though nothing has changed with the way I treat her even before the incident happened, mas mahalaga ang lessons na natutunan ko sa araw na ito both professionally and personally. Another thing I noticed was that I was not able to say a simple prayer before I went on with the operation, which I normally do everytime I would be scrubbing or circulating.

Alam kong the reason why I experienced these things is para rin sa sarili kong professional and personal growth, which I am basically up to aside from the working experience I would be gaining in my stay in this said hospital. From this experience, I promise not to commit the same mistake I made. I will be more cautious in everything I do and in every person I meet. Mistakes are not meant to make us fall and feel down, but instead, they are made to make us stronger and teach us something we ought to know. ..

Hello world!

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!

Newer entries »
Design a site like this with WordPress.com
Get started