Posts Tagged ‘phailed!’

BUENA MANO

BUENA MANO

Ako’y kasalukuyang isang trainee nurse sa isang tertiary hospital sa aming lugar. Dahil sa hirap mag-apply sa panahong ito sa Pinas dahil sa dami ng nursing graduates, out of hundreds to even thousands of applicants, pinalad akong mabilang sa walong napakasweteng nilalang na nurses na ma-hire. Swerte rin talaga dahil natupad ko ang isa sa mga goals ko for 2008 na magkatrabaho bago magtapos ang taon.

November 10 nang ang gaming batch ay magsimula sa orientation, i-rotate kami sa iba’t-ibang areas sa hospital, hanggang sa italaga kami sa aming areas of assignment.

Naassign ako sa operating room (OR)…pag sinuswerte nga naman! Lahat kaming walo ay naghahangad na maassign dito dahil syempre pag ikaw ay OR nurse, astig ang dating mo! Out of 8, dalawa lang kaming naassign dito. The fact na sa isang special area ka agad naassign sa isang tertiary hospital bilang isang nurse na walang experience ay isang malaking karangalan dahil feeling mo ay napakagaling mo at malaki talaga ang tiwala at expectations sa iyo.

Ngayon ay ikaanim na lingo ko na sa OR. May mga kasabayan din kaming trainees ng isang malaking hospital sa Tagaytay na kasalukuyang inaayos pa lamang.

Thursday… another duty day. Wala masyadong cases so nung morning, I was able to witness and circulate for several procedures.

10:30am… dumating ang pasyente kong iiscruban na for cesarean section. So pagdating nya, we did our routine care while waiting for the surgeon and the anesthesiologist. Isa sa mga Tagaytay trainees na itago na lamang natin sa pangalang Melba, ang pinakiusapan kong tumulong sa pagsshave. Nang mga panahong ‘yon, di ko mawari kung naoffend ko ba sya dahil siguro ang dating sa kanya ay inuutusan ko sya, pero nang abutan ko sya ng pang-shave at ng gasa (OS) ay ginawa rin naman nya. Ang point ko lang naman kasi, total available naman sya at walang ginagawa ay makatulong man lamang sa simpleng procedure na ‘yon dahil busy rin ako at marami pang kailangang iprepare.

Pagdating ng anesthesiologist, maya-maya ay dumating na rin ang surgeon. Nag-open na kami ng packs at ng iba pang instruments na gagamitin. Nagscrub na rin ako agad kasama ang aking second scrub na Tagaytay trainee. Pagpasok ko sa OR suite kung saan nakaready na ang aming pasyente ay ginawa ko na ang mga dapat kong gawin bilang first scrub sa case na ‘yon…nagsuot ng gown at gloves, inayos ang instruments, nagsimula ng first counting habang medyo natatarantang nagseserve sa surgeon at assistant surgeon dahil mahirap nga namang isabay sa pagbibilang na kailangang matapos na agad bago magsimulang biyakin ang tyan ng pasyente.

Napansin ng dalawang surgeons na nagkasugat ang pasyente sa parteng na-shave-an kaya naramdaman kong medyo uminit ang kanilang ulo. At dahil doon, naisip kong lalo ako dapat mag-effort na tanggalin ang init ng kanilang ulo.

Binigay ko na ang towels, kasama ang towel clips, at sunod ay ang small half nang napansin kong isang sheet na lamang iyon bukod sa lap sheet. Kulang ng big half kaya sasabihin ko agad sana sa circulating nurse ko kaya lang wala sya noon sa suite dahil nagcicirculate din sya sa isang case sa kabilang suite. Ang natira lamang doon bukod sa aming surgical team ay mga Tagaytay trainees kaya sila na lamang ang napagsabihan kong kumuha ng kulang na sheet habang iniaabot ko ang small half sa surgeon.

Ang tagal kong nakatayo habang iniaabot ang small half na ‘yon! Hindi lumalapit ang assistant surgeon nya, busy, may kausap yata, kaya lumapit pa rin ako ng bahagya ng biglang sigawan ako ng surgeon na kasalukyang 2 meters away sa akin na nakapwesto sa right id eng bed, “UNSTERILE KA NA!” habang nakaturo sa akin particularly sa parteng ibaba, below my waist. Nang tumingin ako sa parteng kanyang itinuturo, alam kong hindi naman ako napadikit doon kahit dampi man lamang. Biglang sumabat ang assistant surgeon nang bumalik ako sa aking half-moon table, “Don’t you dare touch anything there! You’re already unsterile!”

At dahil dyan, no choice ako kundi magscrub out. Lumabas agad ako para magspray ng antiseptic habang binabalak na magscrub ulit, meaning magsuot muli ng bagong gown at gloves, nang mapansin kong may isa ng staff nurse na nagsusuot ng gown at gloves na naka-prepare. Oh well, hindi na nga ako dapat magulat doon pero syempre parang natapakan naman ang pride ko bilang isang nurse. Ang dating kasi ay nawalan na ng tiwala sa akin ang surgical team kaya sa iba na lamang inassign ang case. Masama ang loob ko at inaamin kong it almost made me cry, but I had to be strong. Ang inisip ko na lang ay gusto ko lang maperform ng aming surgical team ang operation na iyon successfully. High risk pregnancy na rin kasi ang aming pasyente, 35 years old, unang anak pa lamang.

So para ipakita na hindi ako affected, ako na lamang muna ang pumalit bilang circulating nurse habang busy ang aming tunay na circulating nurse sa kabilang suite. At doon ay mukhang nakabawi naman ako kahit papaano dahil naperform ko naman ng maayos ang aking tasks sa aking bagong role. Tinanong ako ng senior ko kung sino yung nagshave sa pasyente, kung ako daw ba. Ang sabi ko hindi ako ang nagshave kundi si Melba. Ang masama doon ay kung nung habang wala ako ay tinanong ng surgeon kung sino ang nagshave at maaaring hindi aminin ni Melba at nanahimik na lamang sya o nagbusy-busyhan kaya ako din ang mapagbibintangan na nagshave dahil ako ang scrub nurse. Nangyari nga kaya? Malamang oo pero hindi ko rin sigurado. Hindi ko na nagawang magtanong further sa aking senior kasi busy kami parehas sa aming tasks.

After ng operation habang papalabas na ang mga surgeons at anesthesiologist, may kaunting interview portion sa amin. Itinanong nila ang aking pangalan dahil hindi sila pamilyar sa akin. Nagpakilala ako at sinabi kong bagong trainee ako. And what more would I expect? Syempre kundi pagsasabihan din ako regarding sa nangyaring incident. Mababait naman sila at parang medyo tipong pabiro nila akong pinagsabihan. Walang ni isang word na lumabas mula sa akin, kahit “sorry” man lamang. All I did was to smile… smile na hindi ko alam kung naappreciate nila or na-witness man lamang dahil ako nga pala ay nakasuot ng mask. Sobrang nahihiya talaga ako, at the same time, parang gusto ko sabihin na kamag-anak ako ng doktora na tinuturing nilang boss, tulad na lamang ng ginagawang pakilala sa akin ng mga seniors ko pag ipinakikilala kami ng kasama kong trainees sa mga doctors, dahil isa sya sa mga core group na may ari ng hospital. Alam kong bad ang iniisip kong ‘yon dahil parang gagamitan ko ng authority ang issue, pero kung malalaman ba nilang kamag-anak ako ng may authority sa hospital ay ganon pa rin ang turing nila sa akin? NOT!!! Hahayaan ko na lamang silang madiscover ang katotohanang iyon dahil paniguradong malalaman din nila, at malamang magugulat sila at baka sila pa ang magsorry…ok joke! Baka mabasa nila ‘tong entry!Ü

After mailagay sa pasyente sa recovery room at malinis lahat ng instruments na ginamit, pupunta muna ako sana sa delivery room which is katabi lamang ng aming suite kung saan naganap ang mga pangyayari. At dahil nandoon at nagbabantay rin ng pasyenteng buntis ang aking co-trainee at wala sya sa mga pangyayari dahil scrub din sya sa kabilang suite, naitanong nya sa akin kung ano ang nangyari. Though painful pa rin sa akin ang mga pangyayari, naappreciate ko rin na ako mismo ang tinanong nya kaysa nga naman sa iba nya malaman and at least kung galling sa akin mismo ang information ay siguradong sakto at detailed dahil alam ko ang details. So sinabi ko sa kanyang nagscrub out ako dahil sinabihan ako ng surgeon na unsterile na ako dahil napadikit daw ako sa OR bed kung saan naka-higa ang pasyente habang iniaabot ko ang linens.

Bigla naman ako nagulat ng biglang sumabat itong si Melba at masyadong idinuduro habang medyo sarcastic nyang sinabi na “Oo, napadikit ka! Nakita ko!” So I was like saying, “Ah ganon ba? Hindi ko kasi naramdaman & nung tiningnan ko, hindi talaga ako nakadikit, though almost dikit na rin nga naman. Mali nga rin naman ako don, kasi ‘di na sana ako lumapit pa sa assist.”

Bigla din lumapit ang isang midwife sa akin. Isa din sya sa mga saksi sa pangyayari. She confronted me, “Pasensya ka na kanina ha? Si *toot* na ang pinagscrub ko kasi baka magalit pa sina doktora kung ikaw pa rin ang magscrub. Ganon lang talaga, lahat naman tayo nagkakamali minsan. Di naman maiiwasan yun…”

Natouch ako sa mga words na narinig ko from her, plus yung lambing ng boses nya habang sinasabi nya yun at konocomfort ako. Ramdam kong may sincerity and hindi lang awa ang gusto nyang ipahiwatig. I knew she was trying to point out something, which I realized at once.

Pinipigilan kong maluha dahil na-touch ako sa mga narinig ko from her, at the same time naiinis ako kay Melba dahil sa tono ng pananalita nya nung sya’y sumabat… kala mo kung sinong magaling na bawal magkamali! Hindi ko alam kung may grudges ba sya sa akin dahil sa pakikiusap kong magshave sya tapos ay medyo nagalit din ang surgeon dahil malamang ay mali ang pagkashave nya. Ang sa akin lang, since sobrang dahan-dahan naman akong nagstep forward at nakita naman nya palang dumikit ako, sana nung nakita nyang malapit na ako e hinila man lang sana ako o sinabihan o kahit sinigawan man lamang na malapit na akong mapadampi sa OR bed. Di ba nya naisip yun? Or gusto lang nya talaga ako mapahamak dahil, hindi naman sa pagmamayabang at pagmamaganda, dahil sa lahat ng trainees isa ako sa madalas na pinapansin, binibiro, at kinukulit ng staff nurses, doctors, midwives, orderlies, at iba pang mga staff ng aming area, aside from the fact na relative ko ang isang doktora na isa sa mga core group members na may ari ng hospital namin at ng hospital nila sa Tagaytay.

After ng mga pangyayari, kahit napaka-supportive ng mga tao sa paligid ko bukod kay Melba ay mabigat pa rin ang loob ko. I was feeling kinda like I’m such a failure. Hanggang sa pag-uwi ko, pilit ko mang kalimutan ay bumabalik pa rin sa isip ko ang mga pangyayari. Until now, masama pa rin loob ko kay Melba, though medyo nagsubside na. Alam ko mawawala rin ito, wag na lamang nya ulitin na kabanggain akong muli. Buti na lamang at malapit ng matapos ang kanilang training. Mamimiss ko rin silang lahat for sure.

Though at this point in time while I still have grudges left in me, especially kay Melba though nothing has changed with the way I treat her even before the incident happened, mas mahalaga ang lessons na natutunan ko sa araw na ito both professionally and personally. Another thing I noticed was that I was not able to say a simple prayer before I went on with the operation, which I normally do everytime I would be scrubbing or circulating.

Alam kong the reason why I experienced these things is para rin sa sarili kong professional and personal growth, which I am basically up to aside from the working experience I would be gaining in my stay in this said hospital. From this experience, I promise not to commit the same mistake I made. I will be more cautious in everything I do and in every person I meet. Mistakes are not meant to make us fall and feel down, but instead, they are made to make us stronger and teach us something we ought to know. ..

Design a site like this with WordPress.com
Get started